
Nais ng National Telecommunications Security Council (NTSC) na palakasin pa ang kanilang kampanya laban sa cyberattacks, cable theft at iba pang security risks na kinahaharap ng telcos sa bansa.
Tinitingnan ng grupo na isama ang mga pangunahing ahensiya ng gobyerno tulad ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI), Philippine Coast Guard (PCG), Department of Information and Communications Technology (DICT) at National Telecommunications Commission (NTC) na nagpapatupad ng batas upang maging katuwang nila sa banta at depensa laban sa cyberattacks.
Tinitingnan din ng NTSC ang pagbalangkas ng isang koordinasyon sa pagitan ng grupo at ng gobyerno sa pamamagitan ng regular na consultation sa mga usapin tungkol sa security measure at mabilis na pagresponde kung may emergency.
Ang NTSC ay binubuo ng iba’t ibang telecommunication company sa bansa upang pangalagaan ang mga kritikal na imprastraktura ng komunikasyon, lalo na sa gitna ng mga insidente ng pagnanakaw, fraud at cyberattacks.