Grupong Karapatan, pumalag sa banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na patalsikin sa bansa ang Facebook

57

Pumalag ang grupong Karapatan sa banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na patalsikin sa bansa ang Facebook.

Kaugnay ito sa reaksyon ng Pangulo sa pagbura sa Facebook account ng Armed Forces of the Philippines at ng Save our Children, isang grupo ng mga magulang ng mga kabataang sumampa sa pagiging New People’s Army (NPA).

Ayon sa Pangulo, kung papaboran ng Facebook ang mga grupong nagpapakalat ng kasinungalingan para guluhin ang bansa, posibleng sipain na ito sa bansa.

Ayon kay Cristina Palabay, Secretary General ng Karapatan, dapat hindi matakot ang Facebook at sa halip ay manindigan.

Sa halip aniya na pag-initan ang Facebook, i-account na lang ng gobyerno ang mga government funds na nagagamit umano sa platform na nagpo-promote sa anti-people policies.

Facebook Comments