Grupong Piston, patuloy na kokontrahin ang PUV Modernization Program LTFRB, target na ma-modernize ang lahat ng Jeep

72

Patuloy na kokontrahin ng Transport Group na Piston ang PUV Modernizaton Program ng pamahalaan.

Ito’y matapos linawin ng Department of Transportation (DOTr) na tuloy pa rin ang programa kung saan papalitan na ang mga luma at karag-karag na mga Jeep.


Ayon kay Transportation Usec. for Road Transport and Infrastructure Mark De Leon, papayagan pa ring pumasada ang mga lumang Jeep kahit matapos ang deadline sa June 30 ng susunod na taon.

Pero dapat makapasa ang mga Jeep sa Motor Vehicle Inspection System para makakuha ng Provisional Authority upang makabiyahe.

Giit ni Piston Secretary General Steve Ranjo, mahirap mabayaran ang nasa 1.6 Million Pesos na pinakamurang Euro-4 Jeep.

Aniya, dapat kumita ang isang tsuper ng 3,200 Pesos kada araw.

Sinabi naman ni LTFRB Board Member Ronaldo Corpus, may mga programang alok ang gobyerno para tulungan ang mga Jeepney Operator tulad ng dagdag na subsidy.

Pwede rin silang bigyan ng taas-pasahe.

Target ng LTFRB na ma-modernize ang lahat ng Jeep sa 2022.

Facebook Comments

From Advertisers