Grupong Shi’ite Militia ng Iraq inalmahan ang Estados Unidos matapos tawaging terorista ang Islamic Revolutionary Guards Corp (IRGC) ng Iran

407

Inalmahan ng grupong Shi’ite Militia ng Iraq ang Estados Unidos matapos tawaging terorista ang Islamic Revolutionary Guards Corp (IRGC) ng Iran.

Ito ay matapos na sabihin ni us President Donald Trump na mga terorista ang Islamic Revolutionary Guard Corps ng Iran.

Ayon sa grupo ng Shi’ite Militia ng iraq nagkakaisa ang muslim people at revolutionary guards para hindi mapasakamay sa mga Militanteng Islamic State ang apat o limang mga estado.

Una nang nabanggit ni Iraqi Prime Minister Adel Abdul Mahdi na ang desisyon ng Washington na tawaging terorista ang IRGC ay hindi makakatulong at makakasama umano ito sa kanilang bansa.

Facebook Comments