GSIS, kinilala bilang most valuable pagdating sa pagtugon sa COVID-19 pandemic

52

Kinilala ng 2020 Stevie International Business Awards ang Government Service Insurance System (GSIS) bilang most valuable na ahensya ng gobyerno pagdating sa pagtugon sa COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Nasungkit ng GSIS ang prestihiyosong parangal sa nasabing kategorya kung saan nakalaban nito ang United States at Australia.

Sa congratulatory letter ng Stevie Awards, pinapurihan nito ang GSIS sa determinasyon para mapanatili ang kaligtasan ng kanilang mga miyembro.

Nagpasalamat naman si GSIS President at General Manager Rolando Ledesma Macasaet sa Stevie Awards para sa nasabing pagkilala gayundin sa mga empleyado ng ahensya at sa Board of Trustees nito na pinamumunuan ni former Chief Justice Lucas Bersamin.

Facebook Comments