Guidelines para sa mga hindi pa bakunadong on-site worker, ilalabas sa lalong madaling panahon – CSC

62

Ilalabas na ng Civil Service Commission (CSC) ang panuntunan para sa mga hindi pa bakunadong on-site government employee sa lalong madaling panahon.

Ayon kay CSC Commissioner Aileen Lizada, nakipag-ugnayan na sila sa Department of Health (DOH) para sa pagsasapinal ng nasabing guidelines.

Kinonsulta rin nila sa DOH ang regular RT-PCR testing sa mga hindi bakunadong manggagawa.


Mayroon na rin naging pagpulong kasama ang legal team at policy officer para sa nasabing hakbang.

Facebook Comments