Guidelines para sa mga motorcycle taxis at tricycle back riding, inilabas na ng National Task Force Against COVID-19

69

Naglabas na ang National Task Force Against COVID-19 ng operational guidelines para sa mga motorcycle taxis at tricycle back riding.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, ang National Task Force at Department of Transportation (DOTR) ang inatasan para ipatupad ang nasabing resolution na i-monitor ang pilot study program ng mga motorcycle taxis.


Ito ay para masigurong ang mga driver ay bahagi ng DOTR at ng motorcycle taxi pilot study masterlist.

Aniya, kailangan may sariling helmet na may full face visor na magsisilbing face shield at naka-face mask pati na rin ang pagpapapasa ng body temperature at motorcycle sanitation report sa ride hailing service.

Bagama’t pinayagan, kinakailangan pa rin na masiguro ang kaligtasan at kalusugan ng mga pasahero gayundin ang bawat driver.

Facebook Comments