Guidelines para sa pagpaparusa sa mga lumalabag sa health protocols, target mailabas ngayong linggo

30

Isinasapinal pa ng Department of Justice (DOJ) at ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang guidelines sa pag-aresto sa mga lumalabag sa health protocols.

Ayon kay DOJ Undersecretary Adrian Ferdinand Sugay, sisikapin nilang mailabas ang guidelines ngayong linggo.


Laman ng guidelines ang procedure ng pag-aresto at pagkulong hanggang sa pagsasampa ng kaso sa violators kung kinakailangan.

Pero pagtitiyak ni Sugay, alinsunod pa rin ito sa batas at hindi nito papalitan ang umiiral na ordinansa ng mga lokal na pamahalaan.

Facebook Comments