Guidelines sa pag-aresto sa mga hindi magsusuot o mali ang pagsuot ng face mask, natapos na ng DOJ

Nabuo na ng Department of Justice (DOJ) ang panukala nitong guidelines sa pag-aresto sa mga lumalabag sa maling paggamit ng face masks.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, posibleng simulan na ngayong linggo ang pagpapatupad ng nasabing panuntunan.

Gayunman, kailangan muna nilang mag-abiso sa publiko para mapaalalahanan bago ipatupad ang guidelines.


Aniya, makikipag-ugnayan na sila sa Department of the Interior and Local Government (DILG) na pangunahing magpapatupad ng kautusan ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments