Guidelines sa paglalabas ng SALN, bubuuin —Ombudsman Remulla

Pabor si Ombudsman Jesus Crispin Remulla na isapubliko ang mga Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).

Taliwas ito sa ipinatupad ng kaniyang pinalitan na si dating Ombudsman Samuel Martires na naghigpit sa paglalabas nito sa pamamagitan ng inilabas na Memorandum Circular noon.

Sa kasalukuyan kasi, kailangan ng magre-request ng kopya ng SALN na magbigay ng letter of authority mula sa declarant.

Dahil dito, halos naging imposibleng makakuha ng kopya ang publiko at ang media hangga’t walang pahintulot ng opsiyal.

Pero sabi ni Remulla, bubuo sila ng guidelines sa paglalabas ng SALN.

Sa kabila niyan, iginiit ng bagong Ombudsman na kailangan pa ring ikonsidera ang Data Privacy Act.

Isa pa sa posibleng ipatupad din sa ilalim ng bagong Ombudsman ang pagkakaroon ng crowdsourcing kung saan papayagan na magsumite ang publiko ng mga impormasyon kaugnay sa mga indibidwal na dapat imbestigahan.

Facebook Comments