GUILTY | Lalaki sa New Zealand, guilty sa pamboboso sa higit 30 babae

140

New Zealand – Umamin ang isang lalaki sa palihim na pagkuha nito ng video sa 34 na babae sa kanyang guesthouse.

Hindi na pinangalanan ang suspek na mula sa Hawke’s Bay, North Island para protektahan ang kanyang asawa – nakagawa ito ng 219 secret recordings mula December 2017 hanggang February 2018.

Isiniwalat din ng lalaki na inilagay din niya ang mga videos sa isang porn site.

Karamihan sa mga video ay nakatutok sa balikat hanggang tuhod ng mga nabiktima nito.

Mayroon din inilagay ang suspek na camera sa loob ng mga bote ng shampoo.

Guilty ang lalaki sa 69 counts ng pagkakaroon ng intimate visual recordings at pagsasagawa ng objectionable publications.

Facebook Comments