GUINNESS | Kakaibang world record, nasungkit ng 2 martial arts school sa China

China – Isang kakaibang world record ang nasungkit ngayon ng mga miyembro ng dalawang Chinese martial arts school.

Nasungkit ng Zhonghua Martial Arts School at nang Tagou Martial Arts School ang Guinness World Record na “most people to forward flip-off a trampoline onto a platform in one minute”.

Ito ay ang pagtalon ng bawat isa sa trampoline saka sasampa sa kanilang mga kasama na nasa ibabaw ng platform.


Natalo nila ang dating record na 26 katao kung saan nakaabot sila hanggang 36 katao na nagpatong-patong.

At para tuluyang maselyuhan ang record, kinailangan nilang manatili ng isang minuto na nakapatong sa bawat miyembro ng walang nalalaglag.

Facebook Comments