GUINNESS WORLD RECORD | Isang bakery sa Oregon USA, nasungkit ang titulong World’s Largest Cinnamon Roll

Amerika – Nasungkit ng isang bakery sa Southern Oregon ang titulong World’s Biggest Cinnamon Roll sa Guinness record.

Nagawa ng Wolfeman’s Gourmet Baked Goods ang cinnamon roll na may bigat na 1,149-pounds kung saan tinalo nito ang record ng second floor bakery mula Michigan na mayroon lamang 609-pounds.

Labing isang oras niluto ng nasa 100 workers at volunteers ang nasabing cinnamon roll at hindi nila akalain na halos doble ng laki nito kaysa sa previous record.


Nakatada naman ibenta ang cinnamon roll sa halagang $2.00 (P104.00) kada 8 ounce slice sa gagawing pear blossom festival sa lungsod.

Facebook Comments