Guinness World Record | Isang dalagita sa Japan, nasungkit ang titulong longest hair on a teenager

Japan – Hindi akalain ng isang 17-anyos na dalagita mula sa Japan na makakakuha siya ng titulo sa Guinness World Record dahil sa katamaran nitong magpagupit ng buhok.

Nasungkit ng dalagitang si Keito Kawahara ang record na longest hair on a teenager matapos itong makita ng mga opisyal sa social media at personal nila itong makumpirma kung saan umaabot sa 155.5 centimeters ang haba ng kaniyang buhok.

Kwento ni Keito, aksidente lang daw ang pagkakasungkit niya ng titulo dahil hindi daw niya alam na may ganitong klase ng record na dating hawak ni Abril Lorenzatti ng Argentina.


Nang tanungin naman kung plano pa niyang pahabain pa ang buhok, sinabi ng dalagita na baka pagupitan na daw niya ito pagsapit ng 18-anyos dahil hirap na daw siyang ayusin ito kapag matutulog lalo na sa paggising.

Facebook Comments