GUINNESS WORLD RECORD | Isang estudyante sa Boston, nasungkit ang bagong record sa "joggling”

17

Boston – Hinahangaan ngayon ang isang estudyante sa Boston matapos itong makakuha ng kakaiba at nakakatuwang world record.

Nasungkit ng estudyanteng si Zach Prescott ang Guinness World Record sa “Fastest Time in Joggling” kung saan nagja-jogging ito habang nagja-juggling gamit ang tatlong rubber ball.

Tinapos ni Zach ang 1-mile “joggling” sa loob lamang ng 4 minutes at 43.2 seconds nang hindi man lang nahuhulog ang mga bola.

Dahil dito, tinalo niya ang dating record ng American runner na si Kurt Swinson na may oras na 4 minutes at 43.8 seconds.

Facebook Comments