GUINNESS WORLD RECORD | Isang lolo sa Japan, tinanghal na bagong World’s Oldest Person Living

Japan – Itinanghal ngayon bilang World’s Oldest Person Living via male edition ng Guinness World Record ang isang 112 years na lolo mula sa Japan.

Mismong ang Guinness ang siyang nagkumpirma kay Masazo Nonaka na residente ng Hokaido ng nasabing titulo matapos na pumanaw ang dating may hawak nito na si Francisco Nuñez Oliver noong January 2018 sa edad na 113.

Ibinahagi naman ni Nonaka ang kaniyang sikreto sa mahabang buhay kung saan mahilig daw siya sa mga matatamis na pagkain at pagpunta sa mga hot springs kasama ang pamilya.


Wala din siyang anumang bisyo pero higit sa lahat kaya daw tumagal ang kaniyang buhay ay dahil wala siyang nararamdaman stress sa buhay.

Sa huli, payo ni Nonaka, enjoy every minute ng buhay sa trabaho man ito o kasama ang buong pamilya.

Facebook Comments