GULO SA KULUNGAN | Preso, patay sa kaguluhan sa Pasay City Jail

69

Pasay City – Patay ang isang bilanggo habang kasalukuyan nagpapagaling sa ospital ang pitong iba pa matapos magkagulo ang mga inmates sa male detention cell ng Pasay City Jail.

Kinilala ang nasawi na si Domingo De Los Santos na may kasong kaugnay sa iligal na droga.

Ayon kay Police Chief Inspector Rogelio Hernandez Jr., alas-10:30 kagabi nang magsagawa ng noise barrage ang 105 mga inmate kung saan nauwi sa kauguluhan ang mga ito.

Makalipas ang halos kalahating oras ay na-kontrol na ng mga otoridad ang mga nagwawalang bilanggo.

Dito na nakitang walang malay ang walong mga bilanggo dahil sa masikip na kulungan at mainit na panahon.

Agad na rumespunde ang pasay rescue team upang dalhin ang mga inmate sa pasay city general hospital pero idineklarang dead on arrival si De Los Santos.

Facebook Comments