Gun-for-hire group lider at miyembro nito, arestado ng PNP-CIDG sa Pangasinan

146

Naaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang lider at miyembro ng Gun-for-Hire group sa Sitio Bolosan, Brgy. Basing, Lingayen, Pangasinan.

Kinilala ang mga ito na sina Geronimo Ocado, 63-anyos na sinasabing lider ng “Ocado Group” na sangkot sa nangyayaring gun-for-hire activities sa lalawigan ng Pangasinan.


Habang ang miyembro nito ay kinilalang si Boyet Perreras, 47-anyos.

Sila ay parehong may kasong murder at frustrated murder na nahuli ng mga pulis sa pamamagitan ng warrant of arrest.

Sa ngayon, nakakulong na ang dalawa sa Lingayen Police Station sa Pangasinan.

Facebook Comments