Gun-for-hire, patay matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Laoag

Ilocos Norte, Philippines – Patay ang isang gun-for-hire habang sugatan naman ang isa pa makaraang tambangan ang kanilang sasakyan sa airport road, barangay 50 Buttong, Laoag City, Ilocos Norte.

Ayon sa Laoag City Police, nasawi si Jonathan Bagamaspad, 49-anyos na nasa drug watch list at ikaanim na high value target ng Ilocos Norte Police Provincial Office habang sugatan naman si Rollo Corpuz, 46-anyos na ginagamot pa sa ospital.

Sina Bagamaspad at Corpuz ay kapwa miyembro ng isang gun-for-hire group at responsable rin umano sa pagpatay sa board of director ng Ilocos Norte Electric Cooperative.


Sa ulat, sakay ang dalawa sa isang honda jazz (vea-142) nang pagbabarilin ng riding-in-tandem.

Tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril.
DZXL558

Facebook Comments