Gun running group leader at most wanted person, arestado sa Ilocos Sur at Pangasinan

36

Nahuli ng mga tauhan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang most wanted person at gun running group leader sa kanilang ikinasang magkahiwalay na operasyon sa Pangasinan at Ilocos Sur.

Kinilala ang naarestong most wanted person na si Roderick Padron, 43-anyos, No. 1 Municipal Level Most Wanted Person sa Bantay, Ilocos Sur at Trece Flores, 48-anyos umano’y lider ng Trece Gun running Group na nag-o-operate sa San Fernando City, La Union

Sa ulat pa ng PNP-CIDG, most wanted person si Padron dahil sa kasong qualified rape habang si Trece ay may kasong attempted homicide.

Sa ngayon, nakakulong na ang dalawa.

Facebook Comments