Gunless Society kampanya ng 37th IB

34

Pinagsisikapan ngayon ng pamunuan ng 37th Infantry Battalion ng 6th ID na maging gunless society ang lahat ng kanilang nasasakupan.

Kaugnay nito mas pinalakas pa ang kanilang kampanyang balik baril program sa layuning maisigurong mapayapa ang bawat bayang nasa ilalim ng AOR ng 37 th ayon pakay BatCom Lt. Col. Florencio Pulitod Jr sa pahayag nito sa DXMY RMN Cotabato.

Nagpapatuloy rin ang kanilang pakikipag- ugnayan sa mga Local Officials, Community Leaders at Moro Front Organizations.

Sakop ng 37th IB ang IRANUN Towns na kinabibilangan ng Buldon, Barira, Matanog at Parang, at ang mga bayan ng Sultan Mastura at Sultan Kudarat .

Ang mga nabanggit na mga bayan ay Awardee ng 2017 Seal of Local Good Governance dahil na rin sa tulong ng mga inisyatiba ng 37th IB, kabilang ang pag aayos ng Family Feud o RIDO.

Nanawagan ngayon si Col. Pulitod na makikiisa sa kanilang adhikain para na rin katiwasayan ng pamumuhay ng bawat residente.

Facebook Comments