Gunman sa pagpatay kay Rep. Batocabe, hawak na ng CIDG

Kinumpirma ni CIDG Director Police Chief Superintendent Amador Corpuz na sumuko na rin sa militar sa Sorsogon ang gunman na si Henry Yuson alyas ‘Rommel’ na ngayon ay kanila nang isinasailalim sa booking procedure.

Bukod rito kinumpirma rin ni PNP Chief Oscar Albayalde na hawak na ng CIDG o Criminal Investigation and Detection Group dito sa Kampo Crame ang dalawa sa mga ito na kinilalang sina Emmanuel Rosello alyas ‘Buboy’ at Christopher Naval alyas ‘Tuping’.

Una nang sumuko sa pulisya ang testigong si Emmanuel Jaduvar na kabilang sa nagplano pero hindi kasama nang isagawa ang pagpatay kay Congressman Rodel Batocabe at police escort na nito na si SPO2 Orlando Diaz.


Habang patuloy pa ring tinutugis ang tatlong iba pa kabilang na si Daraga Albay Mayor Carlwyn Baldo na una na ring sinampahan ng kasong double murder at six counts multiple frustrated murder.

Facebook Comments