Guro na nag-body shame sa aktres na si Angel Locsin, pinatuturuan ng leksyon

3775

Inirekomenda ni Ang Probinsyano Partylist Rep. Ronnie Ong na turuan ng leksyon ang gurong nag-body shame sa aktres na si Angel Locsin.

Hindi sapat para kay Ong ang paghingi ng paumanhin ng Department of Education (DEPED) para sa ginawa ng isa nilang guro.


Sinabi ni Ong na dapat mabigyan ng nararapat na parusa ang gumawa nito sa aktres para sa aniya’y “serious display of ignorance” at “grievous negligence” dahil nakasalalay rin dito ang kredibilidad ng teaching profession sa bansa.

Iginiit ni Ong na hindi lamang sapat na maturuan ng mga guro ang mga bata kung paano magbasa at magsulat gayundin ng iba pang mga leksyon sa iba’t-ibang asignatura kundi dapat ay ituro rin ang tamang asal at wastong pag-uugali pati na ang pagrespeto sa kapwa.

Dagdag pa ng kongresista, nagpasa ng batas ang Kongreso para sa pagbabawal sa bullying lalo na sa mga paaralan pero mismong mga guro naman ay hindi batid na naituturo ito sa mga bata dahil lamang sa panlabas na kaanyuan ng isang tao.

Facebook Comments