Gurong nadakip sa drug buy bust operation ng kapulisan sa Cagayan de Oro, sinampahan na ng kaso by: Joanna Ricote

*Sinampahan na ng kasong paglabag sa ra 9165, ang isang guro matapos na nadakip sa isinagawang buy bust operation ng kapulisan ng bulua police station sa lungsod ng Cagayan de Oro.*
*Napag-alaman na noong August 7 nitong taon, ng nagsagawa ng anti illegal drug operation ang kapulisan ng bulua police station sa pangunguna ni Police Sr., Insp. Ian Datiles kung saan nahuli nito ang isang Reynaldo Geralde, aka “dodong”, 32 taong gulang na nakatira sa Loguilo, Alubijid Misamis Oriental at kasalukuyang nagtuturo sa Cogon Elementary School, sa El Salvador City Misamis Oriental.*
*Nabili mula sa naturang suspect, ang isang sachet ng ipinagbabawal na gamot at 500 pesos na buy bust money.*
*Samantala, na recover ang isa pang elongated transparent sachet na may timbang na umabot sa .3 grams at nagkakahalaga ng 300 pesos, isang cellular phone, wallet na may lamang mga id at Yamaha mio na motorsiklo.*
*Sa ngayon, naka detene ang suspect sa maharlika detention cell.*

*Tags: Mindanao, Cagayan de Oro, DXCC, DXCC 828, JOANNA RICOTE, RMN CAGAYAN DE ORO, BULUA POLICE STATION*

Facebook Comments