Gwardiya, binaril ang dating nobya sa Baguio City; pati mga pulis, pinaputukan

Baguio City, Phillipines – Arestado ang isang gwardiya na namaril ng dating nobya at nagpaputok pa sa mga pulis sa West Quirino Hill, Baguio City.

Ayon kay Police Supt. Freddie Lazona ng Baguio City Police Office, nakikipagbalikan ang suspek na si Weslie Buddy na residente ng Balbalan, Kalinga sa dating nobya pero hindi pumayag ang biktima kaya nagwala ito.

Agad na nagpasaklolo ang biktima sa ina nito na siyang kumontak sa BCPO station.


Bagama’t nagpakilala ang mga pulis na rumesponde sa insidente, nagpaputok pa rin ang suspek na naging dahilan para gumanti ang mga pulis.

Dahil dito, posibleng maharap sa kasong frustrated murder, grave threat, illegal possession of firearms at grave assault ang nasabing suspek.

DZXL558

Facebook Comments