GYM AT GUSALI NG ISANG PAARALAN SA ASINGAN NA NATANGGALAN NG BUBONG, NAKATAKDANG AYUSIN

Planong kumpunihin ang nasirang gusali at gymnasium ng Carosucan National High School sa Asingan matapos ang isinagawang inspeksyon ng isang mambabatas sa lugar.

Base sa mga litratong kuha sa paaralan, mapapansin ang may kalakihang bahagi ng gymnasium na natanggalan ng bubong maging ang bahagi ng gusali na may basag-basag na bintana.

Ayon sa ulat, sinuri ang kasalukuyang kondisyon ng mga gusali upang pagplanuhan ang nararapat na rehabilitasyon.

Layon nitong gawing matibay at kapaki-pakinabang sa mga mag-aaral at guro ang mga silid-aralan.

Dagdag dito, bahagi ito ng adbokasiya na magbigay ng maayos na pasilidad para sa kalidad na edukasyon sa Asingan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments