Gymnasiums at coliseums sa Cebu City, planong gawing quarantine facility – Cimatu

Sinisilip na ni Environment Secretary Roy Cimatu na gamitin ang mga gymnasiums at coliseums sa Cebu City bilang COVID-19 quarantine facilities.

Naniniwala kasi si Cimatu na ang barangay isolation facilities ay nakaka-ambag lamang sa pagkalat ng virus.

Ayon kay Cimatu, nais ng Pamahalaan na ilipat ang isolation facilities ng Cebu City mula barangay patungong coastal area tulad ng Normal Oasis for Adaptation and a Home o NOAH Complex.


Ang NOAH Complex, proyekto ng lokal na pamahalaan at pribadong sektor ay kayang mag-accommodate ng 350 pasyente.

Plano rin ng Pamahalaan na dagdagan ng mga cubicle sa complex para marami pang pasyente ang matatanggap.

Facebook Comments