HAGUPIT | Patay sa hurricane Michael sa Amerika umakyat na sa 12

36

Umabot na sa 12 ang patay sa nangyaring pananalasa ng hurricane Michael sa Florida.

Bukod dito, matinding pinsala sa imprastraktura ang iniwan ng bagyong Michael matapos itong makalabas sa naturang US state.

Humigit kumulang 1.5 million na bahay at negosyo sa southeast ang wala pa ring kuryente.

Tila naging isolated naman ang pinakamalaking psychiatric hospital sa Florida dahil sa naturang bagyo dahil hindi na gumagana ang landline telephones at cellphones.

Nagpadala naman na ng supply ng pagkain at tubig sa nasabing hospital sa pamamagitan ng helicopters.

Facebook Comments