Halaga ng pinsala sa agrikultura ng Bagyong Ulysses, umabot na sa ₱12.8 billion

82

Pumalo na sa mahigit ₱12.8 billion ang iniwang pinsala sa agri-fishery sector ng Bagyong Ulysses.

Sa virtual presser sa DA, sinabi ni Assistant Secretary Noel Reyes na kinabibilangan ito ng mga nasirang palayan, maisan, high value crop, abaca, niyugan at pangisdaan.


Kasama rin dito ang nasirang agri infrastructure.

Mayroong 121,000 insured farmers at fisherfolk ang may nasirang pananim at mga livestock holdings, fisheries at mga assets na nawasak.

Nakapagpalabas na ang Philippine Crop Insurance Corporation ng ₱347 million na ibibigay bilang bayad sa napinsalang pananim at kabuhayan ng mga magsasaka at mangingisda na pinadapa ng Bagyong Ulysses.

Ito ay kumakatawan sa inisyal na kabayaran mula sa ₱1.5 billion na insurance claim na pinoproseso na.




Facebook Comments