Halaga ng piso, nananatiling isa sa pinakamalakas sa Asya ayon sa DOF

56

Nananatili pa ring isa sa pinakamalakas sa Asya ang halaga ng piso sa kabila ng pagbaba ng halaga nito kontra sa US dolyar ngayong taon.

Ayon kay Department of Finance (DOF) Undersecretary Chief Economist Gil Beltran, isa ang piso sa apat na pinakamalakas sa 11 na bansa sa Asya.


Kabilang sa mga bansang ito ang; Japan, Thailand, South Korea, Indonesia, Malaysia, Brunei at Singapore.

Batay naman sa tala sa DOF, tumaas ang halaga ng pera ng China kontra dolyar na may 1.15% at Vietnam na may 0.30%.

Facebook Comments