
Pumalo na sa P2-M ang halaga ng family food packs (FFPs) at non-food items (NFIs) gaya ng family kits, kumot, at banig ang naipaabot ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga residente ng Central Luzon at Mindanao na apektado ng Habagat.
Ayon kay Assistant Secretary Irene Dumlao ng DSWD Disaster Response Management Group (DRMG), sa ngayon may naka stand-by pang 694,526 FFPs na nakahandang ipagkaloob sakaling hilingin ng mga Local Government Units (LGUs).
Batay sa datos ng DSWD, nasa kabuuang 4,884 pamilya o 16,891 katao mula sa 43 barangay sa Central Luzon, Zamboanga Peninsula, Davao Region, at SOCCSKSARGEN ang apektado ng sama ng panahon.
Sa bilang na ito, 1,180 pamilya o 4,189 katao ang pansamantalang nanunuluyan sa 16 evacuation centers sa Central Luzon at Zamboanga Peninsula.
Pansamantalang nanunuluyan sa 16 evacuation centers sa Central Luzon at Zamboanga Peninsula.