HALALAN 2019 | Endorsement ni Pangulong Duterte, malaking tulong sa sinomang tatakbo sa pagka-senador sa darating halalan

186

Manila, Philippines – Inihayag ni Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo na malaki ang maitutulong ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kandidato sa pagka-senador para sa halalan sa susunod na taon.

Ayon kay Panelo, ang endorsement ni Pangulong Duterte sa mga tatakbo para sa darating na halalan ay isang malaking tulong para sa ikakapanalo ng mga senatorial candidates na tatakbi sa ilalim ng administrasyon.

Hindi lang aniya ito makatutulong sa mga first timers o sa mga unang beses palang tatakbo kundi pati na rin sa mga re-eloctionist mula sa ibang partido kung ieendorso ng Pangulo.

Naniniwala din naman si Panelo na handa na si Special Assistant to the President Secretary Bong Go pero sinabi din naman aniya nito na masyado pang maaga para pag-usapan ang pulitika.
Suportado din naman niya ang ambisyon ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na umupo bilang isang Senador.

Facebook Comments