HALALAN | Bilang ng overseas voters para sa 2019 midterm elections, posibleng umabot ng dalawang milyon

19

Manila, Philippines – Posibleng umabot ang dalawang milyong overseas voters ang magiging rehistrado para sa 2019 midterm elections.

Sa datos ng Commission on Elections (COMELEC) at Department of Foreign Affairs Voting Secretariat, kasalukuyan ay nasa 1.6 million ang overseas voter registration.

Ayon kay COMELEC Commissioner Luie Guia, resulta ito ng puspusang trabaho ng kanilang mga tauhan sa foreign service na himukin ang overseas Filipinos at gamitin ang kanilang karapatan na bumoto.

Para sa updated na listahan, maging sa mga nais na magparehistro para sa overseas absentee voting ay maaring bumisita sa mga website: www.dfa.oavs.gov.ph at www.comelec.gov.ph

Facebook Comments