HALALAN | Birthday wish ni dating Pangulong Gloria Arroyo, mapayapang Barangay at SK Election

Manila, Philippines – Hiniling ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Representative Gloria Arroyo ang isang mapayapang barangay election para sa kanyang pagdiriwang ng kaarawan ngayong araw

Humarap si Arroyo kaninang umaga sa maraming tao sa St. Augustine Church sa Lubao, Pampanga para sa pagsasagawa ng misa sa kanyang ika-71 taong kaarawan.

Ayon kay CGMA, hangad niya ang isang mapayapang halalan ng mga barangay officials hindi lamang sa kanyang distrito kundi sa lahat ng mga barangay sa buong bansa.


Si CGMA ay nasa kanyang huling termino na rin sa Kongreso bilang kinatawan ng ikalawang distrito ng Pampanga.

Nauna dito ay sinalubong na rin ng mga kamag-anak at malalapit na kaibigan ni CGMA ang kanyang kaarawan sa bahay nito sa La Vista, Quezon City.

Facebook Comments