HALALAN | Chuck Mathay, tatakbo na rin sa pagka Alkalde ng QC; Roderick Paulate, kaniyang makakatambal

Manila, Philippines – Muling tatangkain ng mga Mathay na makabalik sa pamumuno sa QC.

Ito ay matapos na tanggapin na rin ng Comelec ang COC ni dating District congressman Chuck Mathay.

Kasama ni Mathay na nag file ng COC si Councilor Roderick Paulate na kakandidato sa pagka bise mayor sa ilalim ng Katipunan ng Demokratikong Pilipino.


Kung palarin, gustong isulong ni Mathay ang paglikha ng maraming trabaho upang hindi na maghanap pa ng kabuhayan sa labas ng lungsod ang mga residente.

Facebook Comments