HALALAN | Comelec, pinaboran ang grupo ni Sen. Pimentel bilang opisyal na liderato ng PDP-Laban

336

Manila, Philippines – Pinaboran ng Commission on Elections (Comelec) ang grupo ni Senator Aquilino “Koko” Pimentel III sa pagkilala ng liderato nito sa PDP-Laban kasunod ito ng pagkakaroon ng isang paksyon sa partido at kung sino ang lehitimong nominado para sa susunod na eleksiyon.

Dahil dito, lehitimo at opisyal na kandidato ng partido ang mga isinumiteng list ng mga authorized signatures ng grupo ni Pimentel.


Ang nasabing listahan ay nire-require ng Comelec para malaman kung sinong mga kandidato ang tumaktabo sa ilailim ng partikular na partido.

At kung wala ito, maikukunsidera ang isang kandidato bilang independent.

Matatandaan na ang grupo na pinangungunahan ni Rogelio Garcia ay nagsumite din ng kanilang “authorized signatories” para sa kanilang mga pambato sa 2019.

Facebook Comments

From Advertisers