HALALAN | May 14 Barangay at SK Elections, pinadedeklara ng COMELEC kay Pangulong Duterte bilang special non-working holiday

325

Manila, Philippines – Hinihiling ng Commission on Elections (COMELEC) kay Pangulong Rodrigo Duterte na ideklarang speciak non-working holiday ang May 14, 2018 sa buong bansa para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Batay sa COMELEC Resolution 10301, dapat bigyan ng oportunidad ang mga Pilipino na gamitin ang kanilang karapatang bumoto.

Ang resolusyon ay nilagdaan nina Acting Chairman Al Parreno, Commissioners Luie Guia, Rowena Guanzon at Sheriff Abas.

Facebook Comments