HALALAN | Seguridad sa mga lugar na idineklarang election hotspots sa 2019 elections, hinigpitan pa

Mas hinigpitan na ng Philippine National Police (PNP) ang seguridad sa 15 mga lugar na tinukoy bilang hotspots para sa 2019 Midterm elections.

Ayon kay PNP spokesperson Benigno Durana, Jr., ang nasabing 15 lugar ay natukoy sa Joint National Peace and Order Council at sa 4th Regional Peace and Order Council cluster meeting noong Nobyemre 26.

Aniya, kabilang rito ang ARMM na may 9 municipalities, 2 sa Region 5, isa sa Region 2, isa sa Region 4A, isa sa Region 9 at isa sa Region 10.


Paglilinaw naman ni Durana, maaari pa ring magbago ang level ng election security threat hanggang sa araw ng eleksyon.

Dedepende pa kasi aniya ito sa magiging information at assessment ng kanilang territorial units at intelligence units.

Facebook Comments