HALLOWEEN PARTY | DFA, patuloy na bineberipika ang ulat na may mga OFW inaresto sa Saudi Arabia

82

Bineberipika pa ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang ulat na may 19 na Filipina ang inaresto dahil sa pagsasagawa ng Halloween party sa isang pribadong resort sa Riyadh, Saudi Arabia.

Bukod sa 19 na Pinay, limang lalaki mula na galing Saudi Arabia, Sudan, Yemen at Egypt ang mahaharap sa isang taong pagkakakulong kapang kinasuhan ng immorality at organized witchcraft activity.

Base sa ulat, dalawang Saudi male organizers ang nag-imbita sa mga Pinay sa party.

Ayon sa isang consul sa Philippine Embassy sa Riyadh, hindi pa nila natatanggap ang ulat pero handa silang magpaabot ng legal assistance sa mga Filipina.

Nabatid na nag-viral sa facebook ang video kung saan iba’t-ibang tao suot ang kanilang Halloween costume ang nagsisiyahan, na mariing ipinagbabawal sa Saudi Arabia.

Facebook Comments