Halloween tour sa Intramuros, isasagawa online

40

Mapapanood na online ang halloween tour sa Intramuros bilang paggunita sa nalalapit na Undas.

Ang online halloween tour ay bunsod na rin ng pagbabawal sa pagsasagawa ng trick-or-treat na nakasanayan nang gawin tuwing araw ng mga patay.


Ipapalabas ng WanderManila ang online tour na may pamagat na “One Night in Intramuros” sa October 30 ng alas-9:00 ng gabi.

Ila-livestream ang nasabing event sa Facebook page ng WanderManila.

Itatampok sa online tour ang mga nakapangingilabot na kwento sa Walled City at mga kwentong hindi pa naririnig ninuman.

Facebook Comments