Halos  ₱5 million halaga ng shabu, nasamsam sa Pasay City

131

Nasamsam ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Group at Pasay Police Special Drug Enforcement Unit ang 700 grams ng shabu sa buy bust operation sa Roxas Blvd., Pasay City.

Ang mahigit  ₱4.7 million na halaga ng shabu na nakalagay sa paper bag ay nasamsam mula sa suspek na si Madonna Romaguerra.

Unang ikinasa ng mga otoridad ang transaksyon sa Sampaloc, Maynila pero umabot ito sa HK SUN Plaza sa Roxas Boulevard.


50,000 pesos na buy bust money ang ginamit ng mga otoridad sa transaksyon kung saan nasakote nga ang suspek.

Facebook Comments