HALOS 1,000 SENIOR CITIZENS SA DAGUPAN, TUMANGGAP NG SOCIAL PENSION

Umabot sa 979 senior citizens mula sa Barangay IV, Calmay, Carael, Lomboy, at Salapingao ang tumanggap ng kanilang ikalawang bugso ng Social Pension para sa taong 2025, na ginanap kahapon sa City Plaza ng lungsod.
Bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng P3,000 bilang bahagi ng programang pangkalinga ng pamahalaan sa mga nakatatanda, alinsunod sa Republic Act No. 11982 o ang Expanded Centenarian Law.

Ayon sa lokal na pamahalaan, magpapatuloy ang payout sa iba pang barangay upang masiguro na lahat ng kwalipikadong senior citizen ay makatanggap ng benepisyo.

Bilang pagkilala sa kanilang mahalagang papel sa lipunan, inimbitahan rin ang mga aktibong senior citizens at BASCA members na makilahok sa “Punla ng Pamilya, Puno ng Pag-asa” tree planting activity sa darating na Hunyo 20 bilang bahagi ng Agew na Dagupan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments