HALOS 100K INDIGENT POPULATION SA ILOCOS REGION, NABAKUNAHAN KONTRA COVID-19

Umabot na sa halos 100, 000 na katao sa Ilocos Region na kabilang sa indigent population ang nabakunahan kontra COVID-19.

Sa datos ng DOH-CHD1, nakapagturok ito ng 101, 053 na doses ng COVID-19 Vaccine sa A5 category.

Sa nasabing bilang 94, 692 ang nabigyan ng 1st dose at 6, 361 ang nabigyan ng 2nd dose.
Ang eligible population sa nasabing kategorya sa rehiyon ay nasa 562, 682.


Sa kasalukuyan, nasa 2, 005, 352 na ang bakunang naiturok sa mga residente ng Region 1 mula A1-A5 category.###

Facebook Comments