Halos 11,000 COVID patients sa bansa, nakarecover ngayong araw

48

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 10,809 na bagong gumaling sa COVID-19 sa bansa.

9,226 naman ang bagong kaso habang 120 ang bagong binawian ng buhay.

Sa ngayon, umaabot na sa 1,046,653 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.


Sa nasabing bilang ang aktibong kaso ay 72,248.

Ang total recoveries naman sa ngayon ay 957,051 habang ang total deaths ay umaabot na sa 17,354.

Facebook Comments