Halos 13,000 na mga returning overseas Filipino, nagpositibo sa COVID-19

687

Aabot sa halos 13,000 na mga returning overseas Filipino na ang nagpositibo sa COVID-19.

Sa datos ng Department of Health (DOH), 12,906 ROFs na ang nagpositibo sa virus.


Sa bilang na ito 8,107 ang land-based habang 4,799 naman ay sea-based.

Aabot naman sa 12,656 sa kanila ang gumaling na habang ang 247 naman ay naka-admit pa rin sa pagamutan.

6 naman ang nasawi.

Sa kabuuan, umabot na sa 855,782 na mga returning overseas Filipino ang nakauwi sa bansa sa gitna ng nagpapatuloy na pandemya.




Facebook Comments