Halos 140 indibidwal, namatay sa landslide sa India; Anim na distrito, inilagay na sa red alert warning!

209

Aabot na sa 138 ang mga nasawi dahil sa matinding pag-ulan na nagdulot ng landslide sa Maharashtra, India.

Kabilang na rito ang 38 na naitalang namatay sa pananalasa ng landslide sa isang village sa coastal ng Raigad district.


Nagdulot din ng pagbaha sa mga mababang lugar kung saan daan-daang kabahayan ang naapektuhan.

Samantala, nagdeklara na rin ng red alert warning ang India Meteorological Department sa anim na distrito ng Maharashtra na matinding hinagupit ng malakas na pagbuhos ng ulan.

Ito ang distrito ng Raigad, Ratnagiri, Sindhudurg, Pune, Satara at Kolhapur sa Western Maharashtra.

Sa ngayon, nakaalerto ang Department Management Units at concerned departments at nagpapatuloy pa rin ang search and rescue operation.



Facebook Comments