Halos 200 restaurant sa NCR Plus, may alok na “exclusive deal” sa mga fully vaccinated laban sa COVID-19

25

May alok na ‘exclusive deal’ para sa mga fully vaccinated na laban sa COVID-19 ang 188 restaurant sa National Capital Region (NCR) Plus areas.

Ayon kay Restaurant Owners of the Philippines (RestoPH) President Eric Teng, layon nitong matulungan ang gobyerno na maabot ang herd immunity at makabalik sa dating pamumuhay ang lahat.


Kabilang sa kanilang ‘exclusive deal’ ay ang free dishes, upsizes sa drinks, discounts, o buy one get one promos basta makapagpapakita ng original COVID-19 vaccination card at valid ID.

Sabi pa ni Teng, tatawaging Smart Bakuna Benefits ang progrmang ito na bahagi ng vaccine education efforts sa ilalim ng Ingat Angat Bakuna Lahat campaign.

Umaasa naman ang grupo na sa pamamagitan nito ay mas marami pang Pilipino ang mahimok na magpabakuna kontra COVID-19.

Facebook Comments