Halos 24,000 na bagong kaso ng COVID-19, naitala sa bansa sa nakalipas na linggo

53

Mula Agosto 15 hanggang 21, 23,883 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa bansa.

Ito ay katumbas ng average na bilang ng bagong kaso kada araw sa nakalipas na linggo na 3,412.

Ayon sa Department of Health (DOH), ito ay mas mababa ng 15 percent kumpara sa mga kasong naitala noong Agosto 8 hanggang Agosto 14.


Sa mga bagong kaso, 101 sa mga ito ang malubha at kritikal.

321 naman na COVID patients ang binawian ng buhay noong nakalipas na linggo.

Kahapon naman ay 811 na malubha at kritikal na COVID patients ang naka-admit sa mga ospital.



Facebook Comments