Halos 300 Chinese na inaresto dahil sa online gambling, inilagay ng Bureau of Immigration sa blacklist

75

Inilagay na ng Bureau of Immigration sa Blacklist ang 277 Chinese na naaresto sa raid kagabi sa isang online gambling den sa Pasig City.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, base sa kanilang verification, sangkot ang naturang mga Tsino sa investment scam sa China na nagkakahalaga ng 100 Million RMB.


Una nang nag-isyu ang BI ng mission order laban sa apat na Chinese fugitives na wanted sa China dahil sa large scale fraud at investment scam

Hawak na ngayon ng legal division ng Immigration ang kaso at nakadetine na ang naturang mga Chinese Nationals sa Warden Facility ng Immigration sa Taguig habang hinihintay ang kanilang deportation order.

Facebook Comments

From Advertisers