Halos 300 na undocumented OFW mula Jeddah, bumyahe na pabalik ng Pinas

31

Manila, Philippines – Bumibiyahe na pabalik sa Pilipinas ang 277 undocumented Overseas Filipino Workers mula Jeddah, Saudi Arabia.

Sinabing kabilang ang mga ito sa mga nag-apply ng amnestiya ng pamahalaan ng KSA.

Labis naman ang kasiyahan ng mga manggagawang Pilipino matapos mabigyan ng exit visa para makauwi sa Pilipinas.

Kasabay nito, tiniyak ng rapid response team ng office Of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs na patuloy ang kanilang pagtulong sa mga undocumented OFW na nandoon.

Sa July 23, nakatakdang mapaso ang extension na ibinigay ng ksa para sa mga nag-a-apply ng amnestiya.

Facebook Comments